
Nadagdagan na naman ang listahan ng Filipino celebrities na nagkaroon ng wax figure sa Madame Taussads
Ang Madame Tussauds ay isang wax museum na may malaking koleksyon ng wax figures ng mga kilala at prominenteng tao partkular sa pelikula at telebisyon.
Sa isang Instagram post ng Madame Tussauds nitong Miyerkules, Oktubre 22, inanunsiyong gagawan na rin nila ng wax figure si Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo.
“The countdown is over—Madame Tussauds Hong Kong is welcoming Kathryn Bernardo! Known as the ‘Phenomenal Box-Office Queen,’ she starred in the FIRST Filipino film to hit 1B pesos globally!” saad sa caption.
Inaasahang magagawa ang wax figure ni Kathryn sa 2026. Siya ang pinakabago at pinakabatang Pilipinong magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong.
Pero bukod kay Kathryn, sino-sino pa nga bang sikat na Pilipino ang nagawan ng wax figure sa Madame Taussads?
1. Pia Wurtzbach
Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kauna-unahang Pilipinong nagkaroon ng wax figure sa Madame Taussads. Inanunisyo niya ang tungkol dito noong Setyembre 2018. Matatandaang si Pia ang ikatlong Pilipinong nakapag-uwi ng korona sa kasaysayan ng Miss Universe.
2. Manny Pacquiao
Ilang taon ang nakalipas, sunod na nagkaroon ng wax figure sa Madame Taussads si dating Senador at “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao. Opisyal na isinapubliko ang kaniyang wax figure noong Nobyembre 2021. Tampok sa wax figure ni Pacquiao ang mismong boxing gear na itinuturing niyang pampaswerte sa laban.
3. Catriona Gray
Pagkatapos magawan ng wax figure ang “Pambansang Kamao,” nagkaroon din ang isa pang Pilipinong nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas, walang iba kundi si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Kopyang-kopya ng wax figure ang hitsura ni Catriona noong rumampa siya sa presitihiyosong pageant, suot ang iconic niyang “lava gown” ng Pinoy designer na si Mak Tumang.
4. Lea Salonga
Ginawan din ng Madame Taussads ng wax figure si Broadway Diva at Filipino pride Lea Salonga. Unang naianunsiyo ang tungkol dito noong Hunyo 2024. Makalipas ang ilang buwan, ipinasilip ng nasabing wax figure museum sa publiko ang replika ni Lea.
“I am deeply honored and thankful to receive my own wax figure. The wait is over and I’m thrilled for you all to see it,” saad ng Broadway Diva.
5. Anne Curtis
Nagkaroon din ng replikang wax figure ang tinaguriang “Diyosa” ng Philippine showbiz na si Anne Curtis. Unang in-unveil ang nasabing pigura sa Makati noong Nobyembre 2024.
Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Anne ang kaniyang nadarama patungkol sa pag-unveil niya ng kaniyang wax figure.
Aniya, “I am honored, thrilled, and excited. This is amazing. I can’t believe that I’m gonna have my very own wax figure.”
Sino kayang kasunod na Filipino celebrity ang magkakaroon ng wax figure sa Madame Taussads, ka-Balita?