HVI, tiklo matapos masamsaman ng ₱43.86-M halaga ng marijuana

HVI, tiklo matapos masamsaman ng ₱43.86-M halaga ng marijuana

Arestado ang isang high-value individual (HVI) matapos masabat ang halos ₱43.86 milyong halaga ng marijuana at iba pang mga produktong nagtataglay ng sangkap ng “cannabis,” sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Taytay, Rizal noong Huwebes, Oktubre 23.

Sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), pinangunahan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Taytay Municipal Police Station ang nasabing buy-bust, na nagresulta sa pagkakadakip sa 31-anyos na suspek.

Nasabat ng mga awtoridad mula sa suspek ang high-grade kush na aabot sa 25 kilo, tuyong dahon ng marijuana na tinatayang may bigat na 23 kilo, 1,600 liquid marijuana cartridges, at 200 piraso ng vape juice, kasama ang iba pang mga ebidensya.

Ibinahagi naman ng Philippine National Police (PNP) ang naging pahayag ni PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. at PNP Spokesperson PBGEN Randulf T. Tuaño hinggil sa naturang operasyon.

“Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng matatag na paninindigan ng ating kapulisan na protektahan ang bawat Pilipino laban sa salot ng ilegal na droga. Patuloy na ipinapakita ng ating mga alagad ng batas ang tapang, katapatan, at kahusayan kahit sa harap ng panganib,” ani Nartatez.

“Nawa’y magsilbing babala ito sa lahat ng patuloy na nakikibahagi sa kalakalan ng ilegal na droga—wala kayong matataguan, walang ligtas na daan, at walang takas sa kamay ng batas. Mabilis at matatag na kikilos ang PNP, gabay ng aming tungkulin na pangalagaan ang bayan at ang kinabukasan ng ating kabataan,” dagdag pa niya.

“Hindi kailanman palalampasin ng PNP ang mga sindikatong patuloy na nagdudulot ng panganib sa ating mga komunidad. Matatag ang aming paninindigan — walang makakatakas sa batas, at ang katarungan ay tiyak na mangingibabaw,” saad naman ni Tuaño.

Ang naturang suspek ay nasa kustodiya na ng Taytay Municipal Police Station, habang inihahanda ang mga kasong kahaharapin niya.

Ayon sa PNP, ang operasyong ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang paigitingin ang kampanya ng administrasyon kontra ilegal na droga.

Matatandaang kamakailan lamang ay nadakip rin ng pulisya ang dalawang HVIs sa Bugallon, Pangasinan, matapos makumpiska mula sa kanila ang ilegal na droga na aabot sa ₱850 milyon ang halaga.

Related articles

Archie Alemania, guilty sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela!

Hinatulang guilty ang aktor na si Archie Alemania kaugnay sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code na isinampa sa kaniya ng…

‘Papasukin n’yo kami!’ Ilang raliyista, nagtangkang pasukin ang ICI

Nagtangkang pasukin ng ilang raliyista ang tanggapan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na nasa loob ng compound ng Department of Energy (DOE) sa Taguig City, nitong…

Pneumonia, pang-apat sa mga pangunahing sakit na ikinamamatay ng mga Pinoy

Ang pulmonya, isang sakit na maaaring maiwasan, ang naging ika-apat na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino matapos kumitil ng nasa 46,000 buhay hanggang Hulyo 31,…

Bangkay ng nakagapos na 17-anyos na dalagita, natagpuang walang saplot pang-ibaba!

Wala nang saplot pang-ibaba at nakagapos pa ang mga kamay nang marekober ang bangkay ng isang 17 taong gulang na babae sa Bacolod City. Ayon sa mga…

Lovi Poe, isinilang na panganay nila ni Montgomery Blencowe

Winelcome ni “Supreme actress” Lovi Poe ang first baby nila ng mister niyang si Montgomery Blencowe. Sa latest Instagram post ni Lovi nitong Biyernes, Oktubre 24, ibinahagi…

Teacher, patay sa pamamaril ng asawa sa loob ng classroom!

Nasawi ang isang 39-anyos na guro matapos barilin ng kaniyang asawa sa loob ng Abanga Elementary School sa Barangay Abanga, Matalom, Leyte. Ayon sa pulisya, pumasok ang…