Lakas ng dating! Salome Salvi ‘nakaladkad’ sa pagbayo ng bagyong Salome

Lakas ng dating! Salome Salvi 'nakaladkad' sa pagbayo ng bagyong Salome

Tila “dinogshow” ng maraming netizens ang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Miyerkules, Oktubre 22, na pinangalanang “Salome.”

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nito ring Miyerkules as of 11 AM, si Salome ang ikaapat na bagyo ngayong Oktubre at ika-19 ngayong 2025.

Bago magtungo sa PAR, isa munang low pressure area o LPA ang bagyong Salome, na nagmula sa silangan ng Taiwan.

Ang sentro o mata ng bagyong Salome ay tinatayang nasa layong 255 kilometro North Northeast ng Itbayat, Batanes, batay sa lahat ng nakalap na datos ng PAGASA.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong 70 kilometers per hour. Kumikilos ito pa-south southwestward sa bilis na 15 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa mga lugar sa Batanes.

Bagama’t seryosong usapin ang tungkol sa bagyo at ilan pang mga kalamidad na kaugnay nito gaya ng pagbaha, landslide, at iba pa, ilang mga netizen naman ang hindi maiwasang magbiro patungkol dito, dahil kapangalan ang bagyo ng kilalang adult-content creator na si Salome Salvi.

Kaya naman, narito ang ilan sa mga reaksiyon, komento, at hirit ng mga netizen, na karamihan ay makikita sa comment section ng isang media company.

“Laku, ang lakas ng dating, Salome kasi hahaha.”

“Malakas bumayo ‘to hahaha.”

“sana pinalitan na lang name hahahaha…”

“Naku Salome hinay-hinay sa pagbayo ha haha.”

“Auntie salome punta kau dito sa Pangasinan madaming handa na nag aantay sainyo mag luluto kami ng pancit ipag hahanda namin kau ng spaghetti tas salad”

“Salome is here!”

“Salome?! Hmmmmm a name that sounds so familiar I know I heard it before, from somewhere. Sa pangalan palang eh, mukhang matinding pag-bayo ito. ESTE!! Pag-bagyo. Kidding aside, mag-iingat po tayong lahat.”

“Grabe kana salome salvi”

“Wild ‘yan sure ako”

“Kalmahan mo lang be Salome haha”

“Wild ni nga typhoon.. dilikado ni manga substandard na manga flood control.. Goodluck Pinas. Hehehe.”

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Salome Salvi hinggil dito.

Related articles

Archie Alemania, guilty sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela!

Hinatulang guilty ang aktor na si Archie Alemania kaugnay sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code na isinampa sa kaniya ng…

‘Papasukin n’yo kami!’ Ilang raliyista, nagtangkang pasukin ang ICI

Nagtangkang pasukin ng ilang raliyista ang tanggapan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na nasa loob ng compound ng Department of Energy (DOE) sa Taguig City, nitong…

Pneumonia, pang-apat sa mga pangunahing sakit na ikinamamatay ng mga Pinoy

Ang pulmonya, isang sakit na maaaring maiwasan, ang naging ika-apat na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino matapos kumitil ng nasa 46,000 buhay hanggang Hulyo 31,…

HVI, tiklo matapos masamsaman ng ₱43.86-M halaga ng marijuana

Arestado ang isang high-value individual (HVI) matapos masabat ang halos ₱43.86 milyong halaga ng marijuana at iba pang mga produktong nagtataglay ng sangkap ng “cannabis,” sa isinagawang…

Bangkay ng nakagapos na 17-anyos na dalagita, natagpuang walang saplot pang-ibaba!

Wala nang saplot pang-ibaba at nakagapos pa ang mga kamay nang marekober ang bangkay ng isang 17 taong gulang na babae sa Bacolod City. Ayon sa mga…

Lovi Poe, isinilang na panganay nila ni Montgomery Blencowe

Winelcome ni “Supreme actress” Lovi Poe ang first baby nila ng mister niyang si Montgomery Blencowe. Sa latest Instagram post ni Lovi nitong Biyernes, Oktubre 24, ibinahagi…