Lalaking nandekwat ng wallet ng 80-anyos na lolo sa Tondo, nasakote!

Lalaking nandekwat ng wallet ng 80-anyos na lolo sa Tondo, nasakote!

Arestado na ang suspek sa viral na insidente ng panghoholdap sa isang 80-anyos na lalaki sa Gagalangin, Tondo, Maynila, ayon sa Manila Police District – Police Station 1 (MPD-PS1).

Pinangunahan ni Station Commander Lt. Col. Ronald De Leon ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek matapos makatanggap ng ulat mula sa biktima nang makalipas ang ilang araw.

Batay sa CCTV footage, makikitang naglalakad ang matandang biktima habang may tungkod nang lapitan siya ng suspek at kuhanin ang kaniyang pitaka mula sa bulsa.

Sa kabila ng delayed na pagre-report ng biktima, natukoy at natunton ng mga awtoridad ang suspek sa pamamagitan ng video evidence at backtracking operations na pinamunuan ni Cpt. Albert Badiola.

Kinilala ang suspek sa alyas “Albert,” na agad na inaresto ng mga pulis. Sa operasyon, nabawi ang pitaka ng biktima at nakumpiska rin ang mga ipinagbabawal na gamot mula sa pagmamay-ari ng suspek.

Nahaharap ngayon si “Albert” sa kasong theft at paglabag sa Republic Act 9165, Section 11 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nagpasalamat naman ang biktima at ang kaniyang pamilya sa mabilis na aksyon ng mga pulis at sa agarang pagkamit ng hustisya.

Related articles

Archie Alemania, guilty sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela!

Hinatulang guilty ang aktor na si Archie Alemania kaugnay sa kasong Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code na isinampa sa kaniya ng…

‘Papasukin n’yo kami!’ Ilang raliyista, nagtangkang pasukin ang ICI

Nagtangkang pasukin ng ilang raliyista ang tanggapan ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na nasa loob ng compound ng Department of Energy (DOE) sa Taguig City, nitong…

Pneumonia, pang-apat sa mga pangunahing sakit na ikinamamatay ng mga Pinoy

Ang pulmonya, isang sakit na maaaring maiwasan, ang naging ika-apat na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino matapos kumitil ng nasa 46,000 buhay hanggang Hulyo 31,…

HVI, tiklo matapos masamsaman ng ₱43.86-M halaga ng marijuana

Arestado ang isang high-value individual (HVI) matapos masabat ang halos ₱43.86 milyong halaga ng marijuana at iba pang mga produktong nagtataglay ng sangkap ng “cannabis,” sa isinagawang…

Bangkay ng nakagapos na 17-anyos na dalagita, natagpuang walang saplot pang-ibaba!

Wala nang saplot pang-ibaba at nakagapos pa ang mga kamay nang marekober ang bangkay ng isang 17 taong gulang na babae sa Bacolod City. Ayon sa mga…

Lovi Poe, isinilang na panganay nila ni Montgomery Blencowe

Winelcome ni “Supreme actress” Lovi Poe ang first baby nila ng mister niyang si Montgomery Blencowe. Sa latest Instagram post ni Lovi nitong Biyernes, Oktubre 24, ibinahagi…