
Ang pulmonya, isang sakit na maaaring maiwasan, ang naging ika-apat na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino matapos kumitil ng nasa 46,000 buhay hanggang Hulyo 31, 2025 ayon sa ulat ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) nitong Huwebes, Oktubre 23.
Ayon sa asosasyon, umabot na sa 46,718 ang nasawi dahil sa pulmonya, na katumbas ng 6.7% ng kabuuang bilang ng mga pagkamatay sa buong bansa hanggang nitong Hulyo.
“For years, sustained immunization efforts helped keep pneumonia lower on the list of top causes of death, ranking only 7th until 2021. But by 2024, pneumonia had risen to 4th place and, in the same year, the benefit packages for moderate to severe pneumonia topped claims from the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth),” anang PHAP.
Saad naman ng isang eksperto, “Pneumonia’s resurgence should remind us that we must stay consistent with our efforts, especially as diseases like this are so easily prevented with vaccines.”
Binigyang-diin din ni PHAP Executive Director Teodoro Padilla ang mahalagang papel ng pagbabakuna sa paglaban sa pulmonya upang makapagligtas ng buhay, at iginiit na mas magaan ito sa gastusin at nakapagtutulong na maprotektahan ang buong komunidad.
“There were 648,355 pneumonia benefit claims from January 1 to December 31, 2024, which totaled ₱11,914,876,697 in health costs that could have been avoided with timely vaccinations,” he said in a statement.
Samantala, ayon sa World Health Organization, ang pulmonya ay isang anyo ng acute respiratory infection na kadalasang dulot ng virus o bacteria, at maaaring magdulot ng banayad hanggang malubhang karamdaman sa mga taong nasa iba’t ibang edad.
Nanatili rin umano ang pulmonya bilang pangunahing nakamamatay na infectious disease sa mga bata sa buong mundo, kung saan mahigit 808,000 bata na edad lima pababa ang nasawi noong 2017, na katumbas ng 15% ng kabuuang bilang ng mga pagkamatay sa naturang age group.